Kalayaan.
Categories Relationships

Kalayaan.

Kapag bumitaw ka na saka mo makakamit ang kalayaan.

Di ko alam kung saan magsisimula? Parang bang nasampal nanaman ako ng tigkabila sa aking mukha.

Ako itong nag paalam pero bakit parang ako din yun nawalan at nagkulang? Akala ko ba’y bubuoin mo lang muna ang sarili mo habang andito ako sa tabi mo pero bakit habang tumatagal parang pati ako nawawasak ng unti unti dahil sa di mo pagkabuo?

Sobrang sakit kasi ako lang pala mag isa nag iisip ng “tayo”. Wala ka naman talagang balak na akoy maging sayo, siguro’y panandalian ka lang nalito dahil heto ako dumating sa buhay mo at nanggulo sa isip at puso mo.

Pero sa huli ay sya pa din ang pinili mo, siya pa din talaga at hindi ako. Wag mo ng lokohin pa ang sarili mo, alam ko naman inaantay mo lang din talaga na ako ang unang bumitaw sayo kasi ayaw mo na masaktan ako, o baka naman ng dahil lang sa pride mo.

Ang tanga tanga ko nanaman. Ilang beses ba akong papaasahin? Ilang beses ba akong magkakamali sa lalaking di naman inilaan para sa akin?

Ngayon sarili ko naman ang palalayain mula sa sakit na dinulot mo sa akin.

Ika’y akin ng hahayaan, di na aasahan at wala ng antayan ng makamit ko na ang tunay na kaligayahan sa aking kalayaan.