Ikaw lang kahit malayo
Categories Relationships

Ikaw lang kahit malayo

Nasubukan niyo na bang ma-in love ng sobra? Yung kahit hindi niyo naman nakikita araw araw, yung hindi mo naman nahahawakan kamay niya, pero sobra yung pinaparamdam sayong saya kapag kausap mo palang siya. Yung kahit sa cellphone mo lang naririnig, yung kahit pa sa screen mo lang siya nakikita pero alam mo sa sarili mong mahal mo yung tao. Ganon yata talaga, hindi natin mamamalayan na mahal na pala natin yung isang tao, yung hindi naman planado, yung hindi naman galing sa reto pero bigla nalang nangyari yung “kayo”. Yung hindi mo inaasahan pero nagkaroon ka ng taong sobrang special sayo. Walang pinipiling lugar at panahon ang pagmamahal, kung bigla mong naramdaman, yung isang tao kahit gaano pa yan kalayo handa ka parin naman sumugal. Kahit pa sabihin nilang malabo, pinipili mo parin yung tao kasi parehas niyo namang gusto. 

At sa hindi inaasahang araw at hindi inaasahang panahon, nahanap ko yung ikaw na hindi ko na kayang mapunta sa iba. Nahanap ko na yung ikaw na ayoko nang mawala pa. Oo malayo, sabi rin nang iba malabo.. pero bakit ako makikinig sa iba kung mas naniniwala ako sa ating dalawa. Yung kahit sobrang layo mo, yung kahit ang dami pang mas malapit at nakikita ko, pero ikaw lang yung pakiramdam kong hinahanap-hanap ng puso. Kahit sobrang daming malapit, ikaw parin nakikita ko. Ikaw lang ang pinakamagandang nakikita ng mata ko. Ang sarap magmahal lalo na kung ikaw lang. Ang sarap mangarap lalo na kung kasama ka doon. Ang sarap pumikit kung sa kahit pagtulog ko man lang tayo nagkakalapit. Ang sarap ngumiti lalo na kung ikaw yung dahilan non. Ang sarap maging masaya lalo na kung ikaw yung rason non. Alam nating parehas na hindi parating saya, alam nating parehas na walang nagmamahal ng hindi nasasaktan. Pero kahit pa dumating yung araw na hindi na magkaintindihan, sa halip na iwan, susubukan kong ipaalala sayo kung paano natin napag-usapan yung salitang “walang hiwalayan”.

Sa bawat araw na hindi ka kasama, sa bawat araw na maisip kong malayo ka nalulungkot ako ng sobra, pero wala lang sakin yon dahil araw araw araw mo parin namang pinaparamdam saakin na aantayin mo ako kahit gaano pa yan katagal. Sa lahat ng nagsabi saaking “hihintayin kita” sana ikaw yung magkatotoo. Mahal kita araw araw. Mahal kita kahit sa mga panahong hindi ka buo. Mahal kita kahit sa mga panahong pakiramdam mo nakakapagod yung mundo. Mahal na mahal kita kasama na lahat ng kahit na. Balang araw hindi lang sa telepono tayo magbubulungan nang “mahal kita” balang araw sa bawat pagyakap ko sayo mararamdaman mong ikaw lang wala ng iba.