Dose-Otso
Alas dose diyan,
alas otso dito.
Oras ay hindi pareho,
Ngunit iisa ang puso.
Pinaniwala mo ako,
na iba ka sa lahat.
Na ang adobo nila Aling Nena,
ay hindi pareho kay Aling Bebang.
Mata’y binuksan sa mga bagay na di alam.
Tunay nga, na iba ka sa lahat.
Ngunit nasan na, tila nadarama unti-unting nawawala.
Ang nais mo ay pahinga,
upang susunod na hakbang iyong malaman.
Ngunit sa paghakbang mo,
unti-unti na akong naiiwan.
Patawad nalang ang nasambit
netong pusong pilit kumakapit.
Meron pa ba?
Tuluyan nang nawawala?
Ihanda ang puso sa mga bagay na di sigurado.
Magbalik ka man o hindi
Isa lang ang alam ko,
Na may nakalaan para sa akin at sayo.