Kahit saang kanto, puro jowa ang naririnig mo. Wag kang mainip, ihanda mo ang sarili sa pagmamahal ng totoo.
Handa Ka na Ba?
Atat na atat kang magkajowa
Bakit handa ka na ba?
Handa ka na bang piliin ang sarili mo?
Sakaling makatagpo ka ng manloloko?
Matatag na ba ang iyong puso
Para hindi siya ang magsilbi mong mundo?
Mayroon ka na bang sapat na respeto
Na alam mo na when it’s time to go?
Hindi ka ba magiisip ng dahilan
Para patuloy na magbulagbulagan?
O okay lang kahit na paulit-ulit kang saktan
Titiisin mo nalang basta wag ka niyang iwanan?
Baka gusto mong maginvest muna sa sarili mo?
Para maging deserving ka sa tamang tao
Ang pagibig hindi kumplikado
Sa pusong handa nang magmahal ng buo
Baka kasi ikaw naman yung makasakit
Kasi ang totoo, magulo pa ang iyong isip
Hindi pa nga ready, pero dahil sa inip
Nanglimos ng pagibig sa relasyong papalit palit
Pwede ka naman kasi munang huminga
Mas mainam kung magdasaldasal ka
Iaalay mo muna sarili mo sa Kanya
Sa Diyos matatagpuan ang tunay na ligaya
May tamang panahon para sa lahat
Siguraduhin munang sarili ay sapat
May taong magmamahal sayo ng tapat
Gawin mo ang tama at sa dulo’y magpapasalamat
By:
Dianna Frivaldo