Sabi nila, dadating daw ang pag-ibig ng kusa. Hindi mo kailangang ipilit at lumuha. Pag-ibig na pang-walang hanggan. Pag-ibig na sa mga mata kong nagluluksa ay magpapatahan. Isang pag-ibig na walang kahirap-hirap. Kay tagal ko na itong inaasam. Hanggang sa dumating ka. Hindi ito inaasahan, bigla kang nagpakilala at nakipagkaibigan. Noong una ay hindi kita pinapansin. Mga mata ko ay sa iba nakatingin. Hindi ko namamalayan na ang simpleng pagpapakilala at pagpaparamdam ay magpapadama sakin ng kakaiba. Hindi ko napansin na ang puso ko pala ay unti-unti nang nahuhulog sa’yo. Pinilit kong iwasan na huwag itong maramdaman. Pero ano ang laban ko sa sarili kong pakiramdam?
Pakikitungo mo sa akin ay hindi ko maintindihan. Palagi kang nandiyan. Nasasabihan ng mga pinagdadaanan, pinapasaya ako sa kalungkutan, at binibigyan ako ng kakaibang kasiyahan.
Pakikitungo mo sa akin ay hindi ko maintindihan. Palagi kang nandiyan. Nasasabihan ng mga pinagdadaanan, pinapasaya ako sa kalungkutan, at binibigyan ako ng kakaibang kasiyahan. Inaamin ko, hindi lang kita gusto. Mahal na kita. Mahirap mang paniwalaan, pero sa maikling panahon na nakilala kita, hindi na kita mapakawalan. Sarili ko ay hindi na maintindihan. Sana dumating ang araw na kung ano ang meron tayo ngayon ay mabigyan mo ng linaw. Magkusa na sabihin ang matagal ko nang gustong marinig. Pero ito nga ba ang iyong sasabihin?
Hindi ko kayang umamin. Hindi ko pwedeng sabihin. Baka tuluyan ka nang lumayo sa akin. Masakit man isipin, handa ako sa iyong pipiliin. Pero hanggang kailan ko iisipin na may pag-asa na baka ganto ka rin sa akin? Hanggang kailan ko titiisin ang pananahimik sa totoong nararamdaman? Hihintayin na lang na baka sakaling isang araw magbago rin ang lahat. Pero kung dadating ang araw na mag-desisyon kang mahalin rin ako, sana andito pa rin ako sa’yo. Sana hindi ako nagbago kapag nagkaron ka na ng lakas ng loob. Sana hindi pa ako nanindigang kalimutan ka. Sana hindi pa ako nagsawa. Sana magtagpo ang nararamdaman.
Next Step: How to Know God Personally