Always the kina-kaibigan pero never the kinaka-ibigan.
Well, that’s life, I guess. O kaya naman siguro yan ung purpose na binigay sayo ni Lord. Ang maging kaibigan ng mga taong gusto mo. Wala eh, hindi talaga nadedevelop sila sayo. Hanggang kaibigan lang. Hanggang dun lang. Tinetreasure ka, may care sayo, mahal ka, pero as a friend lang.
Lagi ka nalang nandun sa thinking na, “baka may feelings, hindi lang nya maamin.” O kaya, “ayaw nyang magtake ng risk. Baka mas gusto nyang friends lang para walang break-up.”
C’mon! Wake up. Kung gusto ka nya, kahit anong tago ng feelings nya for you, mafefeel at mafefeel mo yun. Mahirap itago lalo na dahil magkaibigan kayo. Madalas magkasama, palaging magkausap, nagbibigayan ng mga advice, naghihingian ng mga opinions, o minsan hanggang madaling araw magkausap. Kung gusto ka nya, nagsabi na sya.
Kaso hindi, friends lang daw kayo. Dun sya kumportable. Dun sya masaya. Dun lang ang kaya nyang ibigay. Bakit? Dahil may iba syang gusto. Yung mga hinahanap nya sa isang girlfriend, hindi nya sayo nakita. Dun ka nagfit sa “qualities of a friend”.
Ikaw lang ‘tong marupok na nafall.
Pero girl, don’t give up on love. Baka kasi sya lang ang definition mo ng love. Widen your perspective. Hindi lahat ng tao, kakaibiganin ka lang. Maybe, yung iba, kinakaibigan mo lang dahil secluded ka sa thoughts na baka pwedeng madevelop yung ‘kaibigan’ mo sayo.
You are more than loveable.
Hindi mo palang nakikita yung taong ipaparamdam sayo yan. Natraffic lang, ika nga.
Treasure your friendship with that person. Pero never isolate yourself with that person also. Wag mong pigilan yung sarili mo na magmahal ng ibang tao.
Masarap magmahal, at mas masarap kung matatanggap mo yung love na hinahanap mo, at deserving na iparamdam sayo. Hold on. Believe in Him. Trust His decisions. He knows best. He won’t give you to someone na alam nyang sasaktan ka lang. Believe in His timings. Wag mong pangunahan. Learn to wait until waiting for you would be worth it.
You go, girl. Smile.