Na-aalala mo pa ba?
Categories Poetry

Na-aalala mo pa ba?

Mahal, naaalala mo pa ba ang unang beses na tayo ay magkakilala?

Ang iyong sambit “Maaari bang makipag kaibigan?” ang aking sagot “Bakit hindi? Libre naman.”

Mahal, naaalala mo pa ba ang unang beses na tayo ay nagkita?

Ni sa hinagap hindi sumagi sa isipan ko na sa pagdaan ng panahon ay iibigin kita.

Mahal, naaalala mo pa ba ang unang awit na tinugtog mo para sa akin?

Puno ng pananabik ang puso ko.. At sa iyo’y natutong umibig.

Mahal, naaalala mo pa ba ang unang tula na isinulat ko sayo?

Kasama ang pangakong pang habang buhay tayo.

Mahal naaalala mo pa ba ang unang beses sayo ako ay nagtampo? Parehas nating inakala na magtatapos na tayo.

Mahal naaalala mo pa ba ang bawat tawanan? Kulitan? At ating mga asaran?

Mga panahong inakala kong tayo ay walang hanggan.

Mahal naaalala mo pa ba ang gabing ako’y nagpaalam?

Hinayaan mo ako… Mahal, hinayaan mo tayo.

Mahal naaalala mo pa ba noong bumalik ako para lumaban?

Sa pag aakalang ikaw ay lalaban din… Sumugal ako kahit nasasaktan.

Mahal naaalala mo pa ba noong nagpasya na akong sumuko para sa atin?

Umasa ako na sa unang pagkakataon ikaw naman ang maas maninindigan kesa sa akin…

Pero mahal naalala mo pa ba na wala akong narinig mula sayo?

At sa ikalawang pagkakataon, ipinatalo mo na naman tayo…

Mahal, naaalala mo pa ba?

Kasi ako, unti unti ko nang naaalala…

Na tayong dalawa ay matagal nang kabilang sa isa na lamang ‘ala-ala’

-CG