Tinta
Categories Poetry

Tinta

TINTA

Isinulat ko sa papel kung paano tayo nagkakilala.
Nagkausap.
Nag-umpisa.
Umibig.
Bumuo ng pangarap.
Bumigkas ng pangako.
Na hanggang sa huli ay magiging tayo.

Isinulat ko ang umpisa
Umabot sa gitna
Pero hindi na kinaya
Ng panulat na binigay mong ang tinta’y nagtae na
Sumuko na
Kahit sulat ay putol-putol na
Pinilit pa
Pero wala ng talaga

Na gaya ng pagsuko ng panulat ay ang pagbitaw mo sa mga pangako
Paglimot sa mga pangarap.
Pagdurog sa puso.
Pagtatapos ng sinimulan.
At hindi na muli paglabas ng anumang salita sa bibig kung saan din noon lumabas ang salitang “pangako”

Hindi ko pinagsisihan
Ang oras.
Ang panahon.
Na nilaan ko sa pagsusulat ng istoryang patungkol sa atin
Pero saan ba may mali?
Sa papel o sa panulat na ikaw mismo ang nagbigay sakin?

Prev Before You
Next Na-aalala mo pa ba?