Current Article:

Doon tayo sa lugar na hindi kana makakawala.

Doon tayo sa lugar na hindi kana makakawala.
Categories Waiting

Doon tayo sa lugar na hindi kana makakawala.

Kagabi nagsabi ka sakin na “isama mo ko sa lugar na kung saan hindi na ako makakawala.” Alam kong huli na, at hindi na ganun yung pagmamahal. Pero gusto parin kita dalhin dun balang araw at umaasa parin akong madadala kita sa lugar na yun balang araw.

Umuwi ka na muna para makapunta na tayo. Asan ka na nga ba? Gusto mo bang sunduin ulit kita? Mahirap sunduin yung taong di mo alam kung nasaan, pero gagawin ko lahat masundo ka lang. Umuwi kana, huwag kang mag-alala napatawad na kita.

Pangakong dun sa lugar na tayo sasaya. Sa lugar na sa ating dalawa lang itinadhana. Lugar na tayong dalawa lang ang bida. Lugar na sa atin lang nakatingin lahat ng tao. Lugar na magiging dahilan ng ating pagiging isa. Lugar na pangarap ng bawat taong nagmamahalan at isa na ko dun na nangangarap na isama ka.

Tara na sa simbahan at ihaharap kita sa altar nang di kana makawala pa. Tara na ating magiging tahanan at gagawa tayo ng ating masayang pamilya at pinapangakong di mo na gugustuhing makawala pa. Bumalik kana at tayo’y maging masaya na.

Sobrang mahal kita, asan kana nga ba?

Halika na!