Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahirap kapag na-fall diba?

Mahirap kapag nasanay ka na lagi mo siyang kasama.

Masakit maiwan diba?
Pero mas masakit yung akala mo may something na kayong dalawa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ito naman ang tanong ko sa’yo,
Alam mo na ngang marupok ka, bakit mo siya pinapasok sa buhay mo?
Bakit mo siya nireplyan nung una kung hindi mo kayang i-seen ang mga pagpaparamdam niya sayo?
Bakit mo siya hinayaan na guluhin ang tahimik mong mundo?

Gwardyahan mo ang puso mo,
Walang ibang mag p-protekta sayo kundi ang sarili mo.
Sinisisi mo siya dahil pinaasa ka niya?
Pero hindi ba mas may kasalanan ka kasi hinayaan mo siya?

Uulitin ko, gwardyahan mo ang puso mo.
Ikandado mo, at buksan mo lang para sa tamang tao.

Kung alam mong mahina ka, umiwas ka.
Pero hindi ka masaktan at lahat isisisi mo sa kanya.
Lahat ng nangyayari sa buhay mo ikaw ang nagdesisyon.
Kung sa una palang dineadma mo na siya hindi ka sana umiiyak ngayon.

Girls, piliin lang natin kung sino ang i-eentertain at kung sino ang irereject.
Wag iasa sa messenger ang love life. Hindi mo mahahanap si Mr. Right sa social media.

Pray for it, and wait for the perfect timing of the Lord.

For everything there is a season, and a time for every matter under heaven:
Ecclesiastes 3:1

Send me the best BW Tampal!

* indicates required