Current Article:

Sa pagpilit na piliin ako. Napagtantong Pinili na pala ako.

Sa pagpilit na piliin ako. Napagtantong Pinili na pala ako.
Categories Faith

Sa pagpilit na piliin ako. Napagtantong Pinili na pala ako.

Sa pagpilit na piliin ako. Napagtantong Pinili na pala ako.

Lumaki ako sa sirang pamilya kaya bata palang  naramdaman kong ako ay kaiwan iwan na. Lumaki akong maraming naging kaibigan ngunit walang matakbuhan dahil iba ang pinipili nila. Lumaki akong  ang taong nais ko ay ginawa akong opsyon lamang at panghuli pa dahil iba pala ang totoong nais niya. Lahat sila hindi ako pinili. Pinaramdam nang mundong ito na hindi ako kapili pili. Kadalasan na tanong sa aking sarili ay ano nga bang kulang sa akin? Bumaba ang tingin sa sarili at palaging kinukumpara ang aking itsura sa iba. Siguro kung ganun din ang kutis, kulay nang mata at marami pang iba baka ako ang piliin nila. Ano nga ba ang dapat baguhin sa akin? Ano nga ba para naman ako ang piliin. Tuluyan nang nawasak at nabiyak ang puso ko. Ngunit sa pagkawasak nito ay nakilala ko ang Nagiisang makakapaghilom nito. Sa pagpilit na piliin ako nang mga tao at nang mundong ito. Napagtantong pinili na pala ako. Nabago ang pagtingin sa sarili noong Si Hesus ay nakilala ko at laking pasasalamat na ang pagibig Niya ay natagpuan ko .

Though hearts may spurn, and dreams unfurl, I am chosen by the One who created this world. Though human bonds may fracture and break, God’s love for me is what no one can force  and  shake.Rejected by the ones I seek, their acceptance, distant and meek. I turn my gaze to Heaven’s embrace. For in God’s eyes, I find my grace. Though this world may scorn and disdain, I shall not yield to earthly pain. For in God’s love, I stand strong and tall. I am chosen by the One who knows it all. In trials and tribulations, I’ll stride. With God as my refuge, in Him I’ll confide. Though worldly troubles may unfurl, I am chosen by the Creator of the world. So let the world’s rejection fade because in God’s love, I’m unafraid. Chosen by a love that’s unfurled, chosen by my Lover, He’s the Creator of this world.

So to you dear reader,

Wag mo nang pilitin na piliin ka nila. Matagal ka ng pinili nang sayo ay Lumikha. Aanhin mo nga ba ang palakpak at pagibig nila kung malayo ka naman sa piling Niya. Aanhin mo nga ba ang ngiti nila kung hindi mo naman nakuha ang ngiti nang nang sayo ay Lumikha.

Hindi na pipilitin pa. Wala nang kailangang baguhin para lang ibigin at naisin. Pinili na pala ako. Pinili na ako. Pinili Niya tayo. Kapatid,

Sa kwentong ito pinili na tayo…

-starrygwy