Current Article:

HOW TO GET OUT OF YOUR T-A-N-G-A ZONE?

Categories Relationships

HOW TO GET OUT OF YOUR T-A-N-G-A ZONE?

Bakit kaya sa tingin mo palagi ka na lang nalalagay sa sitwasyong para kang tanga?

Iba’t ibang tao pero pare-parehas na resulta. Nagpapakatanga ka. Paulit-ulit kang binabalewala pero hindi ka parin nadadala. Tipong awang-awa ka na sa sarili mo pero ayos lang, basta‘t nariyan siya.  Ayos lang, basta nakikita mo siyang masaya. Pero ang tanong, paano ka?

Sabi nila, experience is the best teacher. Pero hindi mo naman kailangan pagdaanan pa kung alam mo namang masasaktan ka. Ano ka masokista? Trip mo lang i-torture ang sarili mo?

Sabi nga, “Prevention is still better than cure” .

5 ways on how to keep you away from T-A-N-G-A zone

  1. Assess yourself.

Kilalanin mo ang sarili mo. Kung alam mong gusto mo ang isang tao, dapat aware ka na mas marupok ka pagdating sa kanya. Sa pamamagitan nito, kaya mong kontrolin ang sarili mong gumawa ng mga bagay na hindi dapat.

  1. Grow up.

Hindi ka na bata. Dapat alam mo na ang consequences ng mga kilos mo. Alam mo dapat kung anong makakabuti at hindi sayo.

  1. Don’t be too impulsive.

Huwag palaging pairalin ang emosyon. Huwag pabigla-bigla sa desisyon. Minsan akala mo, hindi mo kayang mawala siya pero nasanay ka lang talaga na palagi siyang kasama. Minsan akala mo, mahal mo na pero nadala ka lang pala.

  1. Don’t expect too much.

Hindi dahil gusto mo, gusto ka na rin. Gasgas na pero totoo. Kung binibigyan ka ng importansya, huwag agad aasa hangga’t walang binibitawang salita. Sa huli, hindi man umayon sayo ang resulta, hindi gaanong masakit dahil sumugal ka nang handa.

  1. Love yourself.

Lagi mong pahahalagahan ang sarili mo bago ang iba. Sabi nga, you just can’t give what you do not have. Kung wala kang pagmamahal sa sarili mo, malamang hindi rin pagmamahal ang nararamdaman mo sa isang taong gusto mo, kung hindi obsession. Dahil ang pagmamahal ay hindi ipinipilit, bagkus nagpaparaya para sa ikakasaya ng bawat isa.