Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.


Pigilan ang sarili
Hanggat maaari
Dahil sa bandang huli
Ay masasaktan at magsisisi

Ang hirap mag tiwala
Lalo na’t kung ilang tao na ang gumawa
Na nag iwan ng pangako at bigla
Bigla nalang nawala.

Maraming sana ang nabuo
Sana ito ay totoo
Sana mahihintay ako hanggang dulo
Sana ikaw ay seryoso
Sana nga maging tayo

Sana di ka tulad nila
Na nag bitiw ng pangako ngunit tinupad sa iba
Masakit din pala
Pero wala dahil bigla kang nag iba

Mga sanang hinihiling
Na sana ay madinig
Ng di na masaktan pa
Dahil mahirap ibalik ang tiwalang nawala

Di ko alam kung itoy totoo o isa lamang pagpapanggap
Di ko maisip kase ang hirap
Mahirap maniwala lalo na kung hindi naman kayo laging nag uusap

Ikaw na nga ba at ako
Mabubuo na ba ang salitang tayo
Kapag ako’y nahintay mo hanggang dulo.

Mayroon tamang panahon, para sa tamang tao na darating sa buhay natin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required