Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Para sa’yo na bigla na namang nawala…
Sana ngayon panindigan mo na…
Huwag ka na ulit bumalik at magpakita…
Gusto ko nang kalimutan na nakilala kita…
Gusto ko nang umusad, ayaw na kitang maalala…

Alam ko na sasabihin ng iba, kasi marupok ako, diba?
Oo na, sige na, kasalanan ko na…

Kasalanan kong naniwala sa mga salita at mapagpanggap mong pag-aalala…

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kasalanan ko kasi hindi ko agad nakita na walang kang balak na maganda…

Kasalanan ko kasi ilang taon akong nagdasal ng himala…

Kasalanan ko kasi ang bilis kong binalewala ang mga gabing nakatulog ako na walang tigil sa pagluha…

Kasalanan ko na tinanggap kitang parang walang nangyari kapag bumabalik ka…

Kasalanan ko na hinayaan kong paulit-ulit mo kong pinaasa…

Kasalanan ko kasi hindi ako tumigil sa pagmamahal sa’yo kahit ang sakit sakit na…

Yung sakit na parang sasabog ang puso mo sa pamamaga…
Yung sakit na ang sikip sa dibdib at ang hirap-hirap nang huminga…
Yung nakakalunod na yung lungkot na halos hindi ka na makausap at makapagsalita…
Yung parang ayaw mo nang imulat ang mga mata sa umaga…
Yung gusto mo maghapon ka nalang sa kama , tulog, para wala ka nang maisip at maalala…
Yung sakit na parang gusto mo na lang ma-“comatose” or magka-“amnesia”…
Yung sakit na parang pinupunit ka pero pinipilit mo na hindi mo madama…

Kaya ngayon na bahagya nang humuhupa…
Habang nag-uumpisa na naman akong magpulot ng mga parte kong natira…
Hayaan mo na akong mabuo at muling mag-umpisa…
Hayaan mo nang maging normal ang aking paghinga…
Hayaan mo nang maranasan kong muli ang humalakhak at tumawa…
Hayaan mo na akong matulog nang payapa…
Hayaan mo na akong masabik na muli sa paggising sa umaga…
At maniwalang muli sa kabutihan ng tadhana…
Kaya parang awa mo na…okay na…tama na…
Kung para sa’yo wala naman akong halaga…
Magkaroon ka nalang ng kahit konting konsensya…

Paalam na….

Send me the best BW Tampal!

* indicates required