HUWAG MO AKONG MAHALIN!
Categories Relationships

HUWAG MO AKONG MAHALIN!

HUWAG MO AKONG MAHALIN!

Huwag mo akong mahalin dahil lang sa malungkot ka.
Huwag mo akong mahalin dahil takot ka,
takot kang tumanda ng mag-isa.
Please lang, Huwag mo akong mahalin
dahil sa ako ay seksi at maganda.
Huwag mo akong mahalin dahil ako ay may pera at may kaya.

Huwag mo rin akong mahalin dahil sa butas ang puso mo
at kailangang may pantakip ka.
Huwag mo akong mahalin para lang may
ipagmalaki sa iyong tropa.
At sana, huwag mo akong mahalin dahil lang minahal kita.
Parang awa mo na, huwag mo akong mahalin
dahil lang sa maraming dahilan na meron ka.

MAHALIN MO AKO dahil ako ay mahal mo.
Mahalin mo ako na walang kapantay na dahilan
sapagkat di mo na ito kailangan.
Mahalin mo ako hindi dahil ako ang kokompleto sayo.
Kundi ikaw, ikaw ay matagal ng buo.
At handa ka nang bumuo ng pamilya kasama ako.

Mahalin mo ako ng walang dahilan
upang ako’y iyong ipaglaban.
Na ako ay sadyang pinili ng puso mo
at paulit-ulit mong pipiliin
magbago man ang ikot ng mundo.

HUWAG MO AKONG MAHALIN.. AKO AY MAHAL MO.