Salamat
Sa iyo.
Oo, ikaw na kaibigan ko
Ngunit di man sinadya ay minahal ko ng totoo.
Masakit mang di masuklian itong pag ibig ko, pero masaya parin ako.
Na makita kang masaya sa lahat ng ginagawa mo.
Kahit di man lang magawi sa akin ang mga mata mo.
O makita ang damdamin ko sayo.
Masaya pa rin ako.
Na unti unti ay natutupad mo na ang mga pangarap mo.
At isang taon na lang ay aalis ka na
Lilisanin ang lugar na ating naging pangalawang tahanan.
Sa loob ng limang taon.

Matagal na pala.
Apat na taon na
Hindi. Anim na taon na pala.
Na ikaw ang laman ng pusong mahina.
Na kahit anong pilit labanan o kalimutan ay ikaw parin talaga.
Bakit ba kung anong kina”loyal” ko sa ating paaralan ay yun din ang kina”loyal” ko sayo.
Ano bang meron ka na wala sa iba.
At nakuha mo itong pihikan kong puso.

Noong una ay umaasa pa.
Na baka may puwang rin ako sa puso mo.
Dahil parati tayong magkasama.
Lagi halos magkatabi sa upuan.
At ang paborito mong asarin sa tuwina.
Kita ko ang kislap ng mata mo sa tuwing makikita mo ako.
Pero lahat lang pala ay akala ko.
Pinaniwala ko lang ang sarili ko.
Isa lamang pala ako sa mga kaibigan mo.
Masakit. Sobrang sakit na tinanong ko ang sarili ko.
Bakit ikaw pa?
Bakit sa dinami dami ay ikaw pa.
Ano bang meron ka?
Pero kahit anong tanong ko wala akong makuhang sagot.
Basta isang araw naramdaman ko nalang na gusto na kita.
Na mahal na kita.
Gusto kong pigilan.
Pero ganun pala yun?
Kapag lalo mong pinigilan ay mas lalong lumalalim.
Kaya pinabayaan ko nalang.
Wala din namang magbabago.
Mapapagod lang ako.
Kaya tinanggap ko nalang sa sarili ko.
Pero hindi ko pa rin kaya.
Minsan ay naiisip pa rin kita.
Kahit masakit ma-real talk ng kaibigan na ako lang naman yung tangang umaasa.
Dahil kung may katiting kang pagtingin sa akin ay bakit di ka gumalaw at manligaw?
Dahil wala naman talaga.
Hindi mo ako gusto pero gustong gusto kita.
Sana dumating ang araw na mabuksan ko na ang puso sa iba.
Wala nang pang gagamit para pagselosin ka.
Wala nang ibang motibo kundi totoong Oo.
Sana malapit na ang panahong iyon.
Dahil kumakapit na lamang ako sa mga bago kong sana.