Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sasabihin ko na ba sa iyo,
Ang laman ng puso ko,
O pananatilihing sikreto,
Hanggang sa dulo?

Kung aaminin ko ba,
Ang totoong nadarama,
Matatanggap mo kaya,
O lalayo kang bigla?

Tanging gusto ko lang naman ay,
Mapawi ang lumbay,
May kasamang harapin ang buhay,
Maglalakad sa hinaharap ng kasabay.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung di man tayo ang itinadhana,
Kung di man tayo ang para sa isa’t-isa,
Magiging masaya na lamang akong tatanawin ka,
Na masaya sa piling ng iba.

Magpapasalamat na lamang ako,
Sa mga araw na kapiling mo,
Kung ang pag-amin ay magtatapos na dito,
Sana malaman mong may nagmamahal sa’yo ng totoo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required