Naaalala ko pa, mga linyang iyong binitawan,
na kahit anong mangyare, wag kitang iiwanan.
Pero bakit ngayon, mga pakiusap mo tila ako na ang nagbibigkas.
At ang tali na nagdudugtong sa ating dalawa, ay nalalapit ng mapigtas.

Diba sabi mo noon, ako lang at wala ng iba.
Walang sino man ang makakapag hiwalay sa ating dalawa.
Ngunit ihip ng hangin biglang nagbago na,
At ang hangin na bumubuhay sa akin ay naglalaho na.

Naaalala ko din, na sinabi mong iba ako sa lahat ng iyong nakilala.
Ito ay paulit-ulit mo sa akin pinapaalala.
Pero bakit ngayon, mga paalala mo ako na ang nagbabanggit,
Siguro nga ako ang nagmahal satin dalawa ng mas higit.

Magbabalik ka ba, kung papalayain kita?
Dahil baka kailangan mo lang muna na magpahinga..
Hahayaan kitang hanapin ang sarili ng hindi ako kasama.
Panandaliang bibitawan ang iyong kamay na may kaba.

At kung tuluyan ngang mawala sa aking piling,
Kasiyahan mo ang tangi kong hiling.
Wag mo akong masyadong isipin dahil sakit ay lilipas din.
Kirot ng puso ay mawawala daw…. kagaya ng buwan pagdating ng araw.

Ayaw Mo Na