Acacia (ACA-la ko, CIA-na)
Categories Confessions

Acacia (ACA-la ko, CIA-na)

Eto na naman ako katabi ang tasa ng kape at nagmumuni-muni. Ibang klase talaga ang combo ng kape at yosi. Bihira na ako humithit dahil sa fatty liver ko na nag umpisa nung nakaraang taon pero eto na naman ako, parang gusto ko muna mag taym pers sa mga bawal. Pwedeng ako muna? Pwede dun muna tayo sa bawal?

Hithit… ubo…syet nakalimutan ko na pano langhapin ang nicotina na nasa manipis na stik na to na lasang acacia. Di ko alam bakit ngayong gabi gusto ko ng kape at yosi basta ang alam ko lang…gusto ko mag isip. Pasensya na di ko alam anong nasa isip ko di ko rin masulat at malahad dito kung anong gusto kong sabihin. Pero sige susubukan ko.

Minsan napapaisip ako “why do most people hurt us if our only intention is to love them?” Ilang gabi na ako napapaisip bakit yung mga dumadaan sa buhay natin eh parang pinaglalaruan lang tayo? Ginagamit para lang maging convenient sa parte nila?

Kadalasan pa, these people will hurt you and then act like you hurt them tapos ikaw ang makokonsensya…ikaw pa ang mapaparanoid. Ano bang nagawa kong mali? Bakit parang ako lang yata ang nag iisip ng bakit ganun at bakit parang may kurot?

Tama nga, I should have guarded my heart. In the first place, wala akong balak ma-fall at magpa fall kaso syet tao nga lang pala ako na nakakaramdam din, lumalambot din. Porkmaru indeed. Wala eh naniniwala kasi ako sa salita mong sobrang lambing. Na-salestalk mo ko. You’ve touched my heart lalo na yung soul ko. And damn i must say, ang galing mo magparamdam na I am wanted. Ganyan ka ba talaga? Pati sa kanila? Malamang.

Ano bang mali? Siguro yung puso ko. Tama kayo. Ang bilis ko lang maniwala—maniwala na ang tao ay mabubuti at ang intensyon nila ay mabuti lamang. Nakalimot ako… tao rin sila…pwedeng magloko kung gusto at pwede kang paasahin o iwan sa ere kapag bored na.

Oo… ako ang may sala. Tanungin mo ako ng “who hurt you?” Sagot ko lang ay “my own expectations”. Siguro masyado lang ako nag expect…umasa na may tao rito or somewhere who’d love me for what I am and for who I am. Alam mo kase yung hope na yan iba eh. Kakaiba. Nakakaadik. Hanggat meron yan, gagaguhin ka. Aasa ka sa mga “baka naman”, “baka pwede”. Tapos ayan na..medyo atapang atao ka na. Handa ka na sana tumaya. Di mo naman masasabi eh… gusto mong sumugal. 50/50. Pero pinipigilan ka ng isip mo kasi alam mong hindi lang ikaw. At oo alam mong hindi lang ikaw pero syet nagbubulag bulagan ka kasi nga naniniwala ka sa sinasabi nya. At iniisip mo na hindi naman nila kilala yung taong gusto mo tulad ng pagkakakilala mo sa kanya.

Lumalamig na yung kape ko…upod na rin pala ang yosi na nakaipit sa index at middle finger ko. Haaa tangina may abo rin sa tasa. Pero sige tuloy lang ang kwento pasensya na medyo napahaba na..gusto ko lang ilabas para kasing sasabog na sa dibdib. Naguguluhan din ako. Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko to dito kasi alam ko naman ang sasabihin nila. Ang gusto ko lang makinig kayo at basahin niyo. Alam ko naman ang gagawin. Gusto lang ilabas. Tapos.

Ewan. Pero pagod na yata ako. Minsan iniisip ko sobra bang sama kong tao para maramdaman ko to? Kasi tangina ang sakit pala??? Nagseself pity na naman ako.

Osya, papahinga muna ako. Baka pagod lang din to.

I’m tired of pretending to be strong. I’m not. I’m hurting so much.