Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Advice for Pokmaru na kagaya ko:

When you meet a guy tapos nafeel mo na na mahal mo na siya “kuno”

Huwag agad aamin or mag iinvest agad-agad ng damdamin, TEST YOUR HEART.

Know him deeply, mas madali siya na makilala kapag nasa circle of friends kayo.

Iwasan yung maging exclusive LAGI.

Maximize your social life.

Okay din yung nalalabas mo sa mga mapagkakatiwalaang friends yung nafi-feel mo para sa kanya tapos yung magagandang mag-advice, yung hindi ka itotolerate sa karupukan mo. Yung nananampal ng Cactus.

May mga pagkakataon na intense yung feelings!

Yung tipong gustong-gusto mo na umamin.

Tiis tiis muna girl. Beware! The heart is deceitful. Sobra! Yung tipong gusto mo ngayon tapos next week hindi na. Nakahanap ka lang ng mas better eh biglang liko ka na.

Kapag nakilala mo na siya nang husto, dun mo na mate-test kung totoo talaga yung nafi-feel mo para sa kanya.

Yung pagmamahal na nabe-base sa CONVICTION hindi sa EMOSYON.