Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Huhugutan kita sa salitang tagalog
Baka sakali mga kataga, sa puso mo’y mahulog.
Wala na finish na…
Nakalimutan ko nang kalimutan ka,
Masyado akong nabalot sa “Baka pwede pa”.
Dahil na rin sa mga matatamis mong mensahe.
Ayan huli na naman ako sa byahe.
Yung byahe ko ng pag move-on,
Nalipasan na ng panahon.
Naging avid fan na ako ng sakit
Sakit na dulot ng yung pagmamalupit.
Pagbigyan mo nga ako isa lang please
Isang “i love you” lang, sobra ko na kasing namimiss.
Tawagin na nila akong masokista wala akong pakialam.
Ganun siguro talaga hirap bigkasin ang salitang “Paalam”.
Pag gising sa umaga
Ikaw agad ang naaalala,
Sa tanghaling tapat
Ninanais ko parin na tayo dapat.
Ikaw pa rin sa isip hanggang gabi,
O dba malala na talaga, todo grabe.
Pagpasensyahan mo na kung alak lang katapat.
Upang mga salita ay masabi ng sapat.
Oo sapat, tayo lang naman ang nag kulang.
Hanggang pagmamahala’y na ubos,
Nawala na ng tuluyan,
Linipad ng hangin,
At hinatid sa huling hantungan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required