Para sa aking sarili na nagmahal ng lubos ngunit luha ang bumuhos.

Self, nakikita ko na hirap kana sa dinadala mo, pagod ka na dahil sa bigat ng nararamdaman mo. Nauubos na ung lakas na meron ka dahil sa mga naiisip mo. Hindi n din makita ung mgagandang ngiti na kaya mong dalhin sa kahit na ano pang pinagddaanan mo. Anlaki ng nabago sa sarili mo, nawala na yung mga siglang napapansin ng madaming tao, ramdam na ng mga taong nasa paligid mo, nd na ikaw yong nkikita at nakilala nilang tao😔
kitang kita ng iba sa yong mga mata, nd lang sila maging ikaw mulat n sa kalagayan kung nasan ka. Mapapatanong ka n nga lng din sa sarili mo asan na ba ? Exactly self, kailangan mo nang hanapin kung san ka dapat, nawala ka na sa lugar kung saan dapat wla k naman jan tlga, umalis ka na sa lugar na kung saan wala ka ng magandang makita, umalis ka na sa lugar mo kung san nahihirapan ka na. Sinasabi ko sayo sa isang paghakbang mo para hanapin ang dating sarili mo, ituloy mo, wag ka na munang lilingon sa kahit na anong bulong na maririnig mo, na sinasabing mahahanap mo yun dto, dto ka lang.
Hayaan mu lng na lumakas ung mga tinig n nagssabing kaya mo pa yan, kasi alam mo sa sarili mo hirap na hirap ka na sa sakit na hindi mo nmn dapat nararamdaman.
Lumakad ka at bumangon ng paunti unti, kung gusto mong umiyak, okay lang dalhin mo yang mga luhang nais kumawala sa mga mata mo, dahil sinasabi ko sayo sa pagbangon mo kasabay ng iyong paglalakad para hanaping muli ang sarili mo, yang mga luhang yan paunti unting matutuyo at mkikita mong kaya mo. Wag mo ng isipin pa ung mga tanong na wala kang maisagot, dahil alam mo na sa sarili mo kung ano nmn tlaga ang sagot, pinipilit mo lng na mali ung naiisip mo, kaya sinasabi ko syo self, tama na. Humakbang ka muna para sa sarili mo, hanaping muli ang sariling nawala, kya ka lng nmn nawala kasi dinala ka ng taong akala mo na kasama mo kht san ka man mapunta, pero ung kasama mong bbalik sana sa lugar kung saan mganda ang lahat,nawala na.
Self gising na iniwan ka na sa lugar na ikaw na lng ang magppasya, kung lalabas ka at hhanapin ang lugar kung san mkikita mo kung sino ka.

Oras na para pawiin ang mga luhang BUMUBUHOS sa kadahilanang nagmahal ka lng naman ng LUBOS.

Love,
-SELF