Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

LAST FLAG: TAMA NA UYY.
  • Una, kapag sya na ang nagsabi na masaya na sya kahit wala ka.
  • Pangalawa, kapag hindi nya na masagot ang tanong kung, “Gusto mo pa ba?”
  • Pangatlo, kapag sinabi nya na ang relationship ay isang malaking T-O-X-I-C.
  • Pang-apat, kapag kahit anong pagmamakaawa at pag-iyak mo dyan hindi ka pa rin nya binalikan, wala na teh gurl.
  • Pang-lima, kapag sinasabi nya lahat ng mali sa relationship and how everything turned sour.
  • Pang-anim, kapag hindi mo na nakikita ang sincerity sa mga mata nya.
  • Pang-pito, tumatawa na lang at nagkekwento sya kahit seryoso kayong nag-uusap dahil wala na talaga sa kanya yung sa inyo.
  • Pang-walo, hindi ka na nya makita sa future nya.
  • Pang-siyam, kapag sinabi nya sayo na “Kakayanin mo naman,” ang life without him.
  • Pang-sampu, kapag binigyan ka ng “Tips” para mahanap ang magiging kapalit nya.
  • Pang-labing isa, kapag hindi ka na nya binigyan ng assurance na babalik sya. Willing to move on na talaga sya, gurl.
  • Pang-HULI, kapag nanggaling na sa kanya ang mga katagang “Gusto ko kapag nagmahal ako ulit, gusto ko ibibigay ko yung buo ko dun sa tao. Yung wala ng halong *Insert your name here*”

DUN NA NATAPOS. Kailangan mong tanggapin na hindi na ikaw! Hindi na ikaw ang naiisip nya na makakasama nya sa journey nya. Hindi na lang ikaw magpapangiti sa kanya at makakakita ng mga ngiting ‘yon. Tapos na ang lahat sa inyo. Kasi nga diba? Kaya nya nang mag-isip na magkaroon ng future partner na hindi ikaw. Kaya nya nangg magcommit sa iba kahit sa isip nya lang. Kaya nya. Kaya nya, at sabi nya kakayanin mo rin!

Sarap murahin no? Kaso nagmamahal tayo, mahirap ‘to. Magpasalamat na lang tayo sa “Goodluck, kakayanin mo din yan,” na sinabi nya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required