Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paano mag move-on kung nakakasama pa kita? Nakakausap pa kita at nakikita kang may kasamang iba. Nasasalubong ka tuwing umaga, tuwing tanghali, tuwing gabi. Minsan hindi ko na maisip kung ano’ng dapat gawin. Magmukmuk ba? O magliwaliw sa tuwa? Dahil hiniwalayan na kita. Oo! Inaamin ko, ako ang nang-iwan, ako ang nakipaghiwalay dahil sa mga hindi ko na maintindihang mga bagay. Mga bagay na pilit kong inintindi kung bakit sa ating dalawa nangyari.

Paano mag move-on kung nakakasama pa kita? Kasama ka sa mga bagay na aking ginagawa mula paggising hanggang sa pagtulog. Kasama ka s aking mga panalangin at sa aking panaginip. Minsan, hindi ko na maisip kung bakit nakikita pa kita sa mga bagay sa aking paligid. Dapat ko ba itong ipagluksa? O ikatuwa? Ipagluksa dahil may kirot pa rin pag naaalala kita. Ikatuwa dahil wala nang tayo. Wala nng sakit, wala nang pagtatalo. Pero… Oo! Inaamin ko.. Natutuwa ako na nasasaktan tuwing nakikita kang masaya sa piling niya.

Paano mag move-on kung nakakasama pa kita? Kasama ka sa aking mga pangarap. Kasama ko ang mga alaala natin na kailan man ay di nawala. Mga ala-alang nakaukit sa aking puso’t isipan na kahit minsan ay di ko kinalimutan. Dapat ko bang pagsisihan na ikaw ay aking sinaktan? Hindi ko masagot ang mga tanong. Mga tanong na kaytagal ko nang pinag-isipang sagutin. Kung sasagutin ko man ay takot akong mapaghusgahan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Paano mag move-on kung… Mahal pa rin kita? Lumipas na ang isang dekada.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required