Oo. Umasa ako. Umasa ako na isang araw magiging masaya tayong dalawa. Ilang beses na akong nasaktan. Pero nung dumating ka sa buhay ko, binigyan ko na naman ng chance yung sarili ko. Kasi di ko naman ugaling lahatin yung mga lalaki. Ilang beses man akong niloko, di ko naman iniisip na lahat ng lalake pare pareho lang. Ngunit sa dahil sa nagyari, parang konying konti na lang maniniwala na ako na lahat ng lalake manloloko.

Ang sakit kasi. Sobrang sakit. Ano bang kasalanan ko? Ba’t iniwan mo ako bigla bigla na lang? Deserve ko naman yata maka tanggap ng explanation. Pero ba’ parang wala lang sayo? Di mo ba vinalue yung pagkakakilala natin sa isa’t isa? Oo. Isang buwan lang yun. Pero pareho naman tayong naging masaya diba? Ano ba kasi? May dapat ba akong malaman? Ang hirap. Hirap na hirap na talaga ako kakatanong sa sarili ko kung ano bang kasalanan nagawa ko sayo. Peromise.

Umalis ako ng Pinas para makalimutan ka. Oo. Biglaang pag alis. Habang nasa eroplano ako, umiiyak lang ako. Kinaya kong iwan pamilya ko, lara lang mkalimutan ka. Pero talo pa rin ako. Pag dating ko g China, iyak pa rin ako ng iyak. Ikaw pa rin nasa isip ko tsaka yung mga katanungang naiwang tanong pa rin hanggang ngayon. Alam mo yun? Araw araw pinagdarasal ko na sana naman dumating yung araw na sabihin mo sakin lahat. Pero sana huwag dumating yung araw na kapag gusto mo nang magpaliwanag, ayoko ko nang makinig. Sana naman mapag isip isip kong may taong nangangailan ng mga kasagutan mo.

Di ko alam ba’t biglang nawala lahat. Bakit ganon? Ang sakit. Akala ko ba gusto mo ako? Gusto din naman kita diba? Ba’t bigla mo akong iniwan. Iniwang parang walang pakealam. Pero sa totoo, ang sakit. Hanggang kelan ba ako iiyak? Oo. Alam ko wala ka nang pakealam saken. Di naman naging tayo. Sa chat lang naman tayo nag usap. Tama nga naman. Nag simula sa chat, nag tapos din sa chat.

Buti nga nabigyan pa tayo ng pagkakataong magkita. Yun na pala yung una tsaka huli nating pagkikita. Maraming salamat sa Endgame kasi dahil dun nagkita at nakasama kita. Di ko alam pero kaya siguro iniwan mo ako kasi ang pangit ko. Andami kong pimples. Pero hindi e. Alamg kong di ka ganong klaseng tao. Mabait ka. Mabuting tao ka kahit iniwan mo ako di kita jinudge. Kasi minahal na kita kahit isang buwan lang tayong nagkausap.

Sana sa susunod, ang babaeng makilala mo ay mahalin mo ng lubos. Di tulad ko, yung iiwan na lang bigla. Masakit kasi. Ayoko maramdam yun ng ibang babae.

Hanggang dito na lang muna.

Nagmamahal,

Mariah