Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ilang araw na rin pala ang nakalipas noong huli tayong nag-usap. Hindi ko lang maintindihan, anong nangyari sayo? Sa atin? May nagawa ba ‘ko? O umaasa lang talaga ko na mayroon sa ating dalawa? Siguro ito na talaga ang huli. Tatanggapin ko na ang mga bagay na sa una pa lang ay ilusyon ko lang ang lahat. Pasensya na kung binigyan ko ng mga ibig sabihin ang lahat ng sinasabi mo, nilagyan ko ng kulay lahat ng iyon. Pero nagpapasalamat ako na dumating ka kasi kung hindi dahil sayo kahit saglit hindi nagkaroon ng kulay ang madilim kong buhay. Oo na, mahalaga lang talaga siguro ako sayo at hindi mo ‘ko mahal. Salamat sa lamat.