Aking Paraiso

24

Kagandahan ng isang nilikha,
Pinapangarap ng iilang madla.
Ang ganda na miminsan mo lang makikita,
Kumikinang na tila mga bituin ng aking mata.

Mga magagandang tanawin sa tuktok ng kagubatan,
Bakit ikaw parin ang laging nakikita at natatanaw.
Kahit gaano paman kahirap papunta sa iyo,
Hindi ako magdadawalang isip na lakbayin ang storya mo.

Nakaupo sa gilid at hinahampas ng malamig na hangin,
Pinapanalangin na sana katabi ka sa aking piling.
Makikinig ng mga paborito mong awitin,
Kasing sarap pakinggan ng mga ibong malayang umaawit din.

Kahit gaano paman kahirap papunta sa tuktok ng kagandahan,
Pilit kong aakyatin upang mapasaakin ang isang likha na kagandahan.
Isang paraiso na hinihiling sa tanang buhay ko,
Na matatagpuan lang sa tuktok na makikita ang isang kagandahan na tulad mo.

John Rex