Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kelan nga ba tayong huling nag-usap?

Kung di ako nagkakamali, pitong taon na ang lumipas

Sa pitong taong yon, may kanya-kanyang karelasyon

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sinong mag-aakala na tayo’y magkakapareho ng sitwasyon?

Sa di inaasahang pagkakataon, tayo’y muling nagkausap

Nagcomment sa fb story mo na mistulang blankong pangungusap

Nagkumustahan, nagkakwentuhan at nagpaalam

Ngunit biglang tuloy-tuloy na at umabot ng buwan

Biruin mong parehas tayong iniwan

Ng mga taong akala nati’y pang walang hanggan

Walang ibang paksa kung hindi ay makalimutan

Mga ala-alang wumasak sa mga pusong nasaktan

Marahil ay kung may isang bagay na dapat ipagpasalamat

Ito ay yung panahong ika’y nariyan at ako’y hinikayat

Ika’y nakinig sa aking mga hinaing at alinlangan

Pano nga ba malagpasan? Ako ay iyong ginabayan.

Sa paglipas ng panahon, ikaw pa rin ay nariyan

Handang sumagot sa bawat katanungan

Pansin ko din na ang loob ko’y gumagaan

Kapag kausap ka at alam kong ako’y rereplyan

Ang dami-dami nating pinag-uusapan

Mga bagay na masasabi kong may kahalagahan

Kung minsan nama’y puro kalokohan

Sobrang saya ko, ngiti ang kinalabasan

Dumaan ang mga buwan na consistent kang kausap

Pag wala ka tuloy, lagi ka nang hinahanap

Di inaasahang nahuhulog na ang damdamin sayo

Bat biglaang tuliro at tila ayaw ko nang kumibo

Alam ko sa sarili kong hindi pako handa

Malamang ay ikaw din, yun din ang kataga

Mga pusong baka sadyang nangungulila lamang

Sa bawat isa’y natagpuan, pag-ibig ba o wala lang?

Gusto kong lumaya sa gulo ng nararamdaman

Ang tanging hiling sa Diyos ay ‘wag na tayong masaktan

Kung iibig mang muli, sakin man o hindi

Nararamdaman kong ito’y, nais nalang ikubli

Sa relasyong mistulang parang isang bangungot

Kung meron mang natutunan , ito’y wag magpakain sa puot

At kung ang nararamdamang ito’y sakit lamang ang dulot

Mas mabuti na lamang na damdamin ay wag ipaabot

Ititiwala na lang sa Diyos ang sunud na love story

Kung tayo’y para sa isat isa, tiyak na hindi makukubli

Pagmamahal na kay tagal nang itinago sa sarili

Siguradong maipaparating sayo sa paraang di mawari

Hiling at dasal ko lang satin ay maging masaya

Kahit ang ibig sabihin neto ay tumigil na

Siguradong may nakatadhana ang Diyos para sating dalawa

Ako man ay para sayo o sadyang hindi talaga.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required