Hayaan mo akong maglaro sa ilalim ng araw,
Isang beses pa..
Isang beses pa upang lalo kong maramdaman,
Ang liwanag at ang init na kinakailangan ng aking katawan.

••

Hayaan mo akong maglaro sa ulan,
Isang beses pa..
Habang ang mga patak nito ay tumatama sa aking mukha,
Ang sakit ng bawat patak ay tila sinyales na ako ay may nararamdaman.

••

Hayaan mo akong lumangoy,
Papalayo sa pampang..
Papunta sa malawak na karagatan,
Matutong lumangoy papunta sa kawalan at bumalik sa dalampasigan..

••

Bigyan mo ako ng panahon,
Upang libutin ang daigdig..
Upang pagdating ng panahon na kailangan ko ng tumindig,
Sa harapan mo..
ay maipagmamalaki kong sa wakas ay handa na ako..

••

Iniisip mo siguro na lahat ay malabo.
Kasing labo ng maling panahon na tayo’y pinagtagpo..
Pero mahal, isang beses pa..
At kailangan ko ang tiwala mo..
Babalik ako..
Sa tamang panahon..
dahil alam kong ako ay itinakda para sa’yo..