Sabi nila, magtapat na raw ako ng pag-ibig

Ibuka ang aking bibig

Sambitin  mga salitang nakakakilig

Mahal kita, ika’y aking iniibig.

Sabi nila, gawin ko na raw ang unang hakbang

Ihakbang ang aking mga paa patungo sa’yo

Nang walang takot at kaba, puno ng pag-asa

Huwag nang pigilan pa aking nadarama.

Ngunit sabi ko naman, ako’y maghihintay

Upang magtapat na mahal kitang tunay

Ipapanalangin  sa Panginoon

Kung kailan ang tamang panahon

Ako’y magpapakatatag sa panalangin

Hindi madadaliin dahil ayaw kitang biguin

Ako’y maghihintay sa araw na ika’y maging akin

Ako’y maghihintay…

Dahil para sa’kin mas mahalaga ang sabi ng Panginoon

Alam kong inihahanda ka ng Panginoon para sa’kin

Ako nama’y para sayo

Ako’y maghihintay…