Alam ko, mahirap. Mahirap talaga.
Categories Depression

Alam ko, mahirap. Mahirap talaga.

Ngayon lang yan.
Kung masaya ka, sulitin mo.
Kung nahihirapan ka, tiyagain mo.
Lahat naman yan lilipas.
Mahirap kung mahirap, mahirap talaga!
Pero kakasubok mo, kakalaban mo, kakapalag mo,
Magugulat ka nalang nagawa mo na!
Magugulat ka nalang tapos na pala!
Ngayon lang yan.
Kung masaya ka, sulitin mo.
Kung nahihirapan ka, tiyagain mo.
Lahat naman yan lilipas.
Kung hawak lang natin ang oras,
Mainam sigurong makita natin kung
Lahat ng hirap natin may patutunguhan
Na walang lang mapupunta sa wala.

Pero kung hindi man ganoon,
May napala ka parin naman;
May natutunan, may pinagsisihan,
May nakilala, may iniwan.

Walang sayang.
Lahat to parte ng isang magandang kabuuan.
Parang mga bubog na masakit man isa isang pulutin,
Pero nasa dulo yung ganda pagtapos mong buuin.
Ngayon lang yan.
Kung masaya ka, sulitin mo.
Kung nahihirapan ka, tiyagain mo.
Lahat naman yan lilipas.
Walang madali.
Kasi kung madali, mababa lang ang halaga.
Kasi kung madali, madaling kalimutan.
Kasi kung madali, di mo makikita yung hangganan mo.

Mabigat lang ngayon, sobrang bigat talaga siguro ngayon,

Pero kung iisipin mo, marami ka nang nalagpasan,
Kailangan mo lang marinig sa paraang madaling lunukin
Na malalampasan mo ulit yan ngayon.
Kaya sasabihin ko sayo ngayon;
Kaya mo pa. Hindi ka nag iisa.
Kung susuko ka, sumuko ka bukas,
Pero kakayanin mo pa ulit ngayon.
Ngayon lang yan.
Kung masaya ka, sulitin mo.
Kung nahihirapan ka, tiyagain mo pa ng kaunting kaunti.
‘Wag kang lilipas.