Current Article:

An open letter for the one that I fought for

An open letter for the one that I fought for
Categories Relationships

An open letter for the one that I fought for

Hindi sa lahat ng laban pwede kang manalo. Minsan matatalo ka, minsan tabla, minsan panalo tapos tsamba pa. Hindi ko alam pero sinubukan kong ilaban kahit na ilang taon kong sinarado yung pinto ng puso ko. Nilaban ko pa kasi akala ko kaya pa baka kailangan lang natin ng oras, konting panahon para maging handa sa lahat ng bagay. Alam mo simula nung araw na sumuko ka unti-unting nanalo yung mga nilaban ko. Hinanap ka ng family ko, they wanted to meet you. Pero nung araw na yun wala na, yung babaeng pinaglaban ko, sumuko na and I admit it is also my fault. Aaminin kong nagkulang ako sa communication sa’yo. Sorry kung hindi ako nagin open book sa’yo katulad ng ikaw sa’kin. Sinubukan ko and unti-unti ko siyang binubuksan. Ang sana ko lang is that, “Sana binigyan mo lang ako ng oras or ng pagkakataon”. Pero heto na tayo sa akala kong hindi mangyayari sa’tin. Do you still remember what we’ve talking about last time? We’re dating to marry, right? Nag commit ako na kahit ako may hinahanap rin sa’yo pero hindi ko yun hinanap instead, I prayed for it. The difference between us is that you’re looking for something na kaya ko rin naman ibigay pero hindi mo ko binigyan ng chance or ng panahon para maibigay yun sa’yo and you gave up everything. You told me that you accept me. Pero bakit parang hindi? If you accept me bakit tayo umabot sa ganito?

Hindi ko alam kung anong mga salita ang nais sabihin sa’yo pero iisa lang ang alam at nararamdaman ko ngayon. I miss you. I still want to see you everyday. I still want to hear your voice, checking you kung kumain ka na ba, asking how’s your day, watching movies with you, eating with you, walking with you, talking with you, I miss everything about you.

Sana kapag pwede na, sana pwede pa. Baka tamang tao pero maling panahon. Baka dito pa lang talaga nagsisimula ang istorya nating dalawa. Sana sa susunod na laban natin wala ng pero, walang bakit, at sana wala nang sukuan.