Dear one,

I know that you believe that the person you’re willing to wait for is worthy to wait.

Kapag kausap mo siya, nararamdaman mo na may malaking chance ka pa rin na makuha siya muli. Even that you already moved on from the heartaches that person gave you, it’s clear that you haven’t. Lagi mo pa rin siya nakakausap, umaasa at nagbabakasakali na may isa pang pagkakataon.

Kapag naririnig mo yung boses niya, natutuwa ka ulit dahil nararamdaman mo kung masaya ba siya ngayon, o malungkot, o napapagod na. You feel comfortable also ‘pag siya na ang kausap mo, nailalabas mo lahat ng meron sa isip mo na gusto mong sabihin, dahil alam mong pakikinggan ka niya. That person has an open mind, kaya nararamdaman mong kampante at komportable ka sa kanya.

Kapag naaalala mo yung mga panahong kasama mo siya, you feel that you’re safe and it feels really like home. Nagiging tahimik yung paligid kasi siya lang yung naririnig mo na nagsasalita, you feel like you’re in heaven–peaceful and quiet. Feeling mo din kayo lang yung tao sa paligid because you only focused yourself on that person.

Kapag binabalikan mo yung araw na nasaktan ka, naririnig mo ulit kung paano niya sinabi sa’yo ang mga masasakit na salita at kung paano siya umiyak sa harap mo. Hindi na niya kaya, gusto na niya maging malaya dahil naubusan siya ng pagmamahal sa’yo, at may mga kailangan siyang unahin.

Masakit para sa’yo, pero dahil mahal mo siya, you chose to respect that person’s decision and feelings. And, you chose to let go of that person.

But both of you remained friends, naging distant ngalang because you have priorities to take care of–self, passion, family, and personal businesses. You parted ways but you, as a person who’s willing to wait, you have a contingency plan to reach out to that person, just for you to know kung okay lang ba siya, kung hindi ba niya pinapabayaan ang kanyang sarili, o kumakain pa rin ba siya sa tamang oras.

But here’s a question.

Hanggang kailan ka maghihintay para sa kanya? Hanggang saan mo kakayanin para hintayin siya?

Is that person really worth the wait for?

Here’s a little reminder. It may be fate or destiny are the ones who drew you together, or the Almighty One na si God; pinagtagpo nga kayo pero hindi kayo tinadhana sa isa’t isa, but remember that there are a lot of people who you will both meet someday. They may be another lesson or someone who will give impact to you, but He knows if the both of you really are for each other. Believe me, He’s still writing your own story book and He’s still writing that person who really is for you.