Minsan naisip ko bakit ako nagkakaganito

Hindi ko magawang lumayo sa iyo

Kahit pa nga alam kong iba ang gusto mo

Ikaw pa rin ang gusto at mahal ko

Naiinis ako sa sarili ko

Bakit kasi laging ikaw ang iniisip ko

kahit naman minsan hindi ako pumasok sa isip mo

Lagi na lamang binabalewala mo

Kapag nariyan ka para akong nakatira ng droga

Ang energy ko ay sagad talaga at walang kapares ang saya

Kapag sa paningin ikaw ay nawala na agad hinahanap ng mata

Ikaw na nga siguro ang aking adiksyong kakaiba

Sana ako’y iyong tulungan sa ganitong kabaliwan

Rehab ba ang kailangan upang bumalik ang katinuan

Upang magising sa katotohanan na ito’y walang kahahantungan

Kung ipagpapatuloy ko ang adiksyong ito lalo lang akong masasaktan