Dumating na ang araw para sa aking pagbitaw.

Para sa damdaming ako lang ang nakakaalam at wala rin namang patutunguhan.

Ang damdaming lumalim dahil sa ating pinagsamahan ay sya ngayong nagpapahirap sa aking kamalayan.

Upang ang damdamin ay kusang lumisan prisensya mo ay dapat kong makasanayan.

Kaya’t sa unang pagbabadya pinili kong manatili at hindi ka iwasan.

Subalit sa paglipas ng mga araw ang nararamdaman ay nanatiling matatag at ipinagpipilitan.

Ang pagbitaw ko sa’yo ay pagpapalaya sa sarili kong matagal ko ring iginapos sa walang kasiguraduhan.

Ako, na umibig.
Ako, na nasaktan.
Ikaw ang inibig.
Ikaw na hindi nakaramdam.