“Ang Aking Kalungkutan”
Categories Poetry

“Ang Aking Kalungkutan”

 

Nais kong mapag-isa, kung saan tahimik at payapa
Nais kong hanapin ang liwanag, na matagal ng nawala
Nais kong galugarin ang lawak, nitong karagatan
Karagatan na sumasakop, sa aking kalungkutan.

Nais kong umiyak, sa pagbuhos ng ulan
Sa pagkulog at pagkidlat, saka ko lalakasan
Nais kong malunod, sa aking nararamdaman
Gustong kong lasapin ang sakit, ng pusong duguan

Gusto kong mawala, sa mundong magulo
Bat’ di’ mo makita, bat’ mata mo’y malabo
Pagmamahal na inalay, puso mo’y sinuyo
Puso mo’y di’ tinablan, puso mo’y nakakandado

Kulang pa ba, mga matang mapang-akit?
Kulang pa ba, bikong matamis at malagkit?
Kulang pa ba, mga kantang aking inaawit?
O sadyang ‘yong gusto mo, mga bituin sa langit!

Sa pagtila ng ulan, diwa ay nanumbalik
Sa mga larawan, sa isip ay pabalik-balik
Puso’y nanlalamig, laman ko’y namamanhid
Ganunpaman, ako’y mananaig at di pasasaid.

#mykindofpoetry
#❤❤❤
#ctto of the photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *