Ang Himig ng tunay na pagibig
Sa bawat hibla ng musika,
Andon parin ang pag iyak,
Andon parin ang sakit,
Andon pa rin ang emosyon,
Na kahit maraming taon ko itong itinagong pilit,
Na aalimpungatan parin sa tuwing na hahawi ito ng dati nating musika,
Ang pag sasama
Na sa kasalukuya’y na tapos na
Pero bakit ang pag tatapos ay syang hudyat ng pag sisismula?
Kung kilan tapos na bat don kita mas ayaw na ma wala?
Katulad ng pag buhos ng ulan
At pag dating ng dapit hapon
Katulad ng panunuod sa mga bituin,
Na kahit alam kung milya ang layo sa aking piling,
Pilit paring inaabot ng aking paningin,
Ng aking mumunting daliri,
Na pawang iginuguhit ng aking isipan,
Na sana sa susunod na pag tingin,
Sa susunod na pag sulyap at pag abot ng mga munting daliri,
Ay mamaaring andito ka rin sa aking piling
Hanggang ngayon gusto ko parin ang alindog ng nakaraan,
Hanggang ngayon binabasa ko parin ang ‘yong bawat liham,
Gayon din ang iyong pag tawa at pag uyam
Hanggang ngayon gusto parin kitang abotin,
Katulad ng mga lagalag sa himpapawid na mga bituin
Hanggang ngayon gusto ko parin ang banayad na hanngin pag katapos ng mga ulan,
Gayon rin ang buwan,
Hanggang ngayon…
Nais parin kitang tumingin sa mga bituin.
Dahil sa bawat kuwerdas
Andon parin ang pag kuskos ng pusong sugatan
Ang huni ng pagkaalila
Ang anino ng emosyon
Na inaaninag ng katanghalian
At kasalukuyan
Pilit pinipangak ng musika
Ang mga kahapong dapat matagal ng nakahimbing
Pilit pinapa iyak ng pag kakamali
Hanggang ngayon…….
Pinapakinggan ko parin……
Kahit matagal na ang nalikhang musika
Binubuhay pa rin ito ng aking emosyon
Hanggang ngayon ikaw parin ang laman ng mga panaginip,
Patuloy ko paring sinusundan ang mga bakas
Ang bawat kwadro ng ‘yong boses ay patuloy paring nananaglit
Ang yong bawat pangarap na sa akin’ y ‘ yong inawit
Kayat hanngang ngayon naniniwala parin ako sa mga panaginip
At andito parin ako sa dating nating pwesto
Iniisp kong katulad ka rin ng sa akin
Katulad mo rin ako
Na hanggang ngayon na niniwala parin sa pag hiling sa mga bulalakaw
Andito pa rin ako…
Nakikinig ng musika
Iniisip na sanay gayon ka din
na bubulag pa rin sa alindog ng mga bituin
Andito parin ako
hanggang sa mamatay na ang emosyon
Hanggang sa pag lipas ng panahon
Hanggang sa mawala na ang pagkaalila
Andito parin ako hangga sa ang pagibig ay wala na
Hanggang ngayon andito parin ako
Umaasa na sana hindi na ako magkukulong sa kamera,
Sa kwadro ng reyalidad ng lente
Mga emahing masaya
Pero sa pusoy tapos na
Nanalangin…
Na sana
sa takdang panahon
Mahahanap rin ang bagong musika
Ang mga bagong himig at liriko ng kanta.