Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang pag-ibig parang multo, (Awooohhh!!!)
halos lahat nag-uusap tungkol dito,
pero kakaunti lang talaga ang nakakakita nito.

Walang taong hindi naghahangad na siya ay mahalin at magmahal (unless, hindi ka tao at wala kang ganung desire – HAHAHA). Lahat tayo gutom at uhaw sa pagmamahal and many of us tend to look for love in wrong places, wrong timing, and wrong people. Ang hindi alam ng marami – hindi Niya dinisenyo ang puso natin para makuntento lang sa pag-ibig ng tao. Hindi dapat natin inaasa ang ating kaligayahan sa iba at sa mga materyal na bagay (temporal things). Kailangan mo pa ring bumalik at magtanong sa totoong nakakaalam ng lahat ng iyong pangangailangan – walang iba kundi Siya (capital letter “S” yan ah, ‘wag marupok besh).

I love you not for who you are, but for who I am when I am with you.
– Roy Croft

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required