PLEASE! Don’t leave your feelings unattended.

Kaya nga!
Above all else, guard your heart ‘coz it determines the course of your life. Nag-iisa lang ang puso mo, kaya ingatan mo at pakabantayang mabuti. Dahil anuman ang mangyari dyan, siguradong apektado ang malaking bahagi ng buhay mo.

May mga taong panandalian lang, makakasalubong mo lang sa daan hanggang sa maglaho ito sa kawalan. Mga taong pansamantala, pasasayahin ka lang ng saglit pero mag-iiwan ng matagalang sakit. Mga taong nagmamadali, ayaw magpa-huli (double meaning) kaya ikaw ay naiwan – naiwang sawi.

Pero may mga taong para sa’yo. Taong hindi mo kailangang habulin dahil willing siyang sabayan ka sa bawat hakbang mo. Mga taong piniling maghintay at hindi ni-locked ang pinto para sa’yo. Mga taong anumang oras at panahon ay mauuwian at magiging pahingahan mo. Kayakap sa malalamig na gabi, kasama sa pagharap sa hamon ng buhay at kasabay mong gigising sa bawat umaga. (note: onti na lang kami, promise! – HAHAHA)

Again! Don’t leave your feelings unattended.
Sobrang dami ng magnanakaw ngayon (ingat sa puting Van).