Isang kang anggulo na mahirap kuhanan.
Na ayokong subukin kase baka mapahiya ako.
Ayoko nang malaman mo na kinukunan kita,
Baka kase kung ano pa isipin mo.
Di ko na maaala kung kailan ‘to nagumpisa
Pero naramdaman ko na lang na fragile ka and I want to handle you with care.
Nasanay na siguro ako kasama ka kumain.
Kasama tumawa, mangbully at bulihin.
Ilang gabi na ba? Ilang late night thoughts na ba?
Ilang advices, ilang scenarios sa buhay mo at buhay ko ang nalagyan natin ng emoji at stickers.
Ilang “hahaha” dahil wala na tayo mapagusapan.
Ilang instance na ba ako nag assume? Ilan na nga ba?
Iniisip ko kung handa na ba ako?
Handa na ba ako masaktan.
Tama ba na maramdaman ko ‘to o mali kasi alam kong di tayo pareho ng nararamdaman sa isa’t isa?
Ito yung mga tanong sa isip ko na pilit kumakawala at kumakain saking tulog.
Gustong gusto kong sabihin sayo pero alam kong di ko pa panahon. Pero kailan kaya? Pag sobra na ba ako nasaktan? Pag ba nalaman kong may nagpapatibok na ng puso mo?
O kung isang araw hingan moko ng advice tungkol sa kanya! Paano pag dumating sa point na ikwento mo sakin ang love story mo?
Ano gagawin ko magiging isa ba akong KUYA? o isang taong nasasaktan? Baka kasi maging sana di nalang… Sana di ko na naramdaman… Sana ako nalang siya… Sana nalaman mo din ang storya ng pag ibig ko sayo.
SANA.
Pero baka ito yung plano ng Kalangitan.
Manatili ako makinig sayo. Sa mga sinasabi mo. Sa mga nararamdaman mo. Sa bawat tunog ng pagkalabit mo gitara. Sa tunog na likha ng iyong mga daliri.
Baka ito yung plano ng Langit matuto ako magantay hanggang uwian at mamaaalam hanggang sakayan. Panoorin ka mula sa likod.
Kumuha kahit mahirap ang anggulo.