Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Birthday ko na naman
Wala ka pa rin,
Ilang ganito pa Kaya
Ang darating bago pa kita makapiling?

Malungkot mag-celebrate mag isa
Oo nga,andyan sila
Kaibigan at aking pamilya
Pero alam ko iba ang saya pag
ikaw ang kasama.

Magpakita ka na
Hanapin mo na ako
Palagi na lang ako nag-iintay sayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sarap siguro kung may pulang
Rosas kang dala
At unang babati sa umaga.

Anu Kaya pakiramdam ng ganon?
Yung andyan ka,nakangiti At kumakanta
Sana sa sunod na aking kaarawan
Sabay ba tayong magdiriwang.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required