Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pag hinanap mo ang nawawalang takip ng ballpen mo,  mahirap yun di ba?

Lalo na pag hindi mo alam kung saan mo naipatong o naiwanan.

Bakit kaya ganun?makakalimutin lang tayo siguro 🙂

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Di kaya Nagtatago lang siya o ayaw lang magpakita sa’yo?

Ang hirap kasi pag walang takip yung ballpen natin,

May pagkakataon na kusang lumalabas ang tinta nito at pag nag-mantsa na sa damit, mahirap ng tanggalin, especially pag kumapit sa balat natin,naku!ang hirap alisin..

Haayy, parang pag-ibig lang,pag-nawala,mahirap nang hanapin, mahirap ng ibalik..

May mga pagkakataon sa buhay natin o may mga tao sa buhay natin na bigla-bigla na lang nawawala o nang-iiwan,.yun bang magpaparamdam sa’yo tapos bigla ka ring iiwanan..bigla-bigla na lang naglalaho..

ang saklap noh?hindi mo alam kung saan nagpunta o may ginawa lang ng walang pasabi..

“Grabe!magsabi ka naman”…mga linya na gusto nating sabihin pag umalis sila..di ba?

pero hindi natin magawang sabihin(shy type kasi tayo minsan)

Tapos isang araw,bigla na lang magpapakita.magugulat ka na lang..

”uuyy?!bumalik ka? :)”

Syempre,pag mahal mo,tatanggapin mo,.

aminin mo na kasi,marupok tayo mga beshy 🙂

magpaparamdam ulit sa’yo..tapos ikaw naman ‘tong tao na handa siyang patawarin,handa kang tanggapin siya ulit sa buhay mo..

mahal mo ei..may magagawa ka ba?

“Tinanggap ko lang naman siya dahil nagbabasakali ako na mananatili pa siya sa buhay ko”

(sabay punas sa mga luhang tumutulo sa mga pisngi mo)

Bakit kaya ganun?minahal mo na nga,ikaw pa ang iniwan..

ang sakit noh? Iniisip pa minsan ng ibang tao na baliw ka na sa pag-ibig..

hindi kasi nila alam kung ano ang pakiramdam ng iniiwanan,

ang hirap pakawalan ng isang tao buong puso mong minahal at yung tipong nakatatak na sa isip at puso mo na akala mo siya na ang “forever” mo..

parang tinta ng ballpen lang,di ba?mahirap tanggalin,mahirap alisin,mahirap burahin..

Pero,sana huwag kang mawalan ng pag-asa,..iniwan ka ng walang dahilan,nasaktan ka ng sobra..

tanggapin mo na lang kahit masakit..tanggapin mo na lang ang katotohanan na hindi sila o siya ang itinakda para sa’yo..pahalagahan mo at mahalin ang sarili mo..maniwala ka at sa hindi,makikita mo rin ang taong inilaan ni Lord para sayo…

may “pag’ibig na walang hanggan”

Ika nga sa kanta,,”basta’t maghintay ka lamang” 🙂

Oo,mahirap ang maghintay,boring yun di ba?lalo na kung yung hinihintay mo ang tagal dumating..

pero okay lang yan,”waiting is a virtue” sabi sa quote na’to..

basta alam mo na sa tamang panahon,na sa tamang pagkakataon,mahahanap mo ung “the One” ng buhay mo..ang taong inilaan ni God para sa’yo..ang nawawalang takip ng ballpen sa buhay mo…

Ipaglaban at Ipagdarasal mo lang siya 🙂

Aja-aja lang 😉 Warrior Princess ka,tandaan mo yan 🙂

kayanin mo ha? believe me,.MASARAP ANG MAGMAHAL at MAHALIN.

Masaya rin pag nakita mo yung takip ng ballpen mo,.

hindi na madudumihan mga kamay at damit mo 🙂

makokompleto pa ang buhay mo…

Send me the best BW Tampal!

* indicates required