Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Magdamag kong pinag isipan kung tama na ba talaga. Pagod na pagod na din kase ako. Pagod na kong umasa na magbabago ka pa. Pagod na kong isiping babalik ka pa. Hindi ko na alam gagawin ko bumalik ka pa. Ginawa ko na lahat ng katangahan maipakita lang na mahal kita.

Gusto ko nang sumuko. May tumutulak lang sa utak at puso kong ipaglaban ang taong tumigil nalang bigla. Alam kong napakalaking katangahan tong ginagawa ko. Pinang hahawakan ko nalang siguro yung sinabe mong ako ang great love mo. Sinagot kita nun ng ikaw naman ang greatest unconditional love ko.

Sinabe ko sayo noon nung pinili mong itigil na, hindi ako titigil hanggat hindi ako kuntento sa mga ginawa ko para say’yo. Bakit di parin ba ako tumitigil? Kailan ba ko makukuntento. Makuntento sa sarili ko, makuntento sa katotohanang hindi na nga ako ang iyong gusto. Tatanggapin ko nalang siguro muna na ako ay isang manggang hilaw, na itatago muna ng panandalian hanggang sa mahinog. Manggang hilaw na sa sobrang asim eh kailangan pa ng asin o bagoong bago matikman. Manggang hilaw na hindi masarap pag kakainin lang ng mag isa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Babalik ako pag nahinog na ko. Pag pwede mo na kong kainin ng ako lang. Ng hindi mo na kailangan pa ng iba para ma-appreciate mo lang ang lasa. Babalik ako para maipakita sayo na kahit gaano kaasim ang ako dati eh, magiging matamis din pala ako sa huli. Babalik ako pag hinog na ko at ako na ang gusto mo.

Babalik ako para gawin ang tama. Ang tamang angkinin ulit kung ano ba dapat talaga ang akin. Aangkinin kung anong dating nawala sakin. Hindi ko kayang tumigil lang ng biglaan kahit ipagtabuyan mo pa ko. Sa panahong maging mangghang hilaw kana, hindi kita iiwan kahit ako hinog na. Tutulungan kitang mahinog kahit unti unti akong nabubulok na.

mahal kita sana alam mo yun.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required