Mga araw na puno ng saya at tawa,

Mga oras na kasama na pinangarap na walang katapusan sana,

Umasa na tayong dalawa na,

Hiniling hanggang sa huli tayo na sana,

ngunit nawala ka.

Mga maingay na tawanan na nauwi sa nakakabinging katahimikan.

Mga gabing puno ng kwentuhan na nauwi sa magdamag na iyakan.

Sinubukang magkabalikan ngunit ako ay tuluyan mo nang iniwan,

Wala nang magagawa, Kailangan na kitang kalimutan.

Ngunit hindi ganoon ka dali,

Kalimutan mga masasayang sandali,

Mga kantang nagbibigay ngiti,

Mga lugar na ikaw at ako laging namamalagi.

Mga oras at panahon na kasama ka ay naglaho na,

Di na maibabalik pa,

Nawalan na ng pag asa,

Kaya ko pa ba?

Durog na puso,

Mga matang namumugto,

Tinanong ang sarili kelan ba matututo,

Sana’y mapagsabihan ang utak at puso na wala nang ikaw at ako.

Ngunit kelangan tanggapin na ang lahat ay nagbabago,

Katulad ng paglimot mo sa pagmamahal ko sayo,

Kelangan ko naring tanggapin na di ka na magiging parte ng buhay ko,

Alam ko kaya ko, at kinaya ko.

Panahon ay lumipas

Nauntog narin sa wakas,

Naging makabuluhang muli ang ngayon at bukas,

Natutong muli na maniwala sa pag ibig na wagas.

Kasabay ng araw ng mga patay,

Pinatay ko narin ang nararamdaman ko sayo.

Sa araw ng pasko,

Pinatawad ko na ang sarili ko sa pagiging baliw ko sayo.

Sa araw ng mga puso,

Nagmahal namang muli ng bago.

At sa araw ng kaarawan ko,

Ang pinangarap kong tao ang syang naging regalo.

Di ko akalain na kelangan kong magpasalamat at iniwan mo ako,

Dahil sa paglisan mo nagbago ako,

Dahil sa sakit na naidulot mo naging malakas ako,

Ang durog kong puso ay muling nabuo,

natutong huwag agad sumuko.

Sa kabila ng pagkawasak ko

May taong tinanggap parin ako,

Salamat sayo at mas minahal ko ang sarili ko.

Mas mahal ko ang bagong ako.

Handa na uli magmahal ng buong buo.