“Bakit ako, walang boyfriend?”

Hahaha. Yes. Kahit ako natatawa how I ended up with that title. Syempre, one way of catching your attention which is nagawa ko naman siguro kasi binabasa mo to? HAHAHA. Pero, let’s get to the point and yan din ang tanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba ako’y walang boyfriend?

Tao din naman ako. I have feelings and I will never deny that I always have hundreds of crushes. My closest friends knew that and even yung mga crush ko alam nila.(Hi sa mga crush ko na alam nila na crush ko sila XD).  Well, may iba naman na mutual (enebe) pero bilang lang at halos lahat sa kanila hindi ako gusto. Ang sakit. Mas masakit pa sa break-up (hahaha tho I don’t know the feeling ng break-ups). I would never even deny also that I almost have, kasi nga may mga pa-fall (HAY) and ako naman umasa. HAHAHA. (Oh no, tao pala ko. Imagine, naranasan ko din pala yun).

Pero alam mo ba? God is so good kasi hindi umabot sa worst. Bago pa ko mag-into relationship, God made ways to stop it. Marami na ding nangyari dati as in, muntik na ko mafall sa ibang unbelievers kahit gwapo, and I almost fall sa katulad ko (God already changed me). Aware or unaware, He did that to lessen the hurt. And I’m so grateful because even though I have never been in a relationship, nasaktan, umasa at nabigo din ako. And through the experiences of my friends, sa mga napapanuod at nababalitaan ko, yung mga long term relationships ended quickly like nothing happened? Too much hurt? Maraming nadamay at naapektuhan and in the blink of an eye, natapos din ang lahat. Hi sa mga Song-Song Couple fans jan hahaha.

 I’m not saying I’m against with these pero I’m also saying din na ang pagiging single ay hindi sakit. Ang pagiging single does not make a person incomplete. I’m saying that, it’s not sickness; it’s one season.

“For everything there is a season, a time for every activity under heaven.”
‭‭Ecclesiastes‬ ‭3:1‬ ‭NLT‬‬

See? In every activity daw may panahon ang lahat ng bagay. Though maraming nagsasabi, “Mare, graduate ka na naman na ah. Nagtatrabaho ka na. Bakit ayaw mo pa din magboyfriend?’ Like, at the back of my mind, kung alam mo lang, gustung gusto ko na! HAHAHAHA.

Pero one thing I learned?

Romans 12:2 Do not conform into the patterns of this world. But be transformed by renewing of your mind and you will know the will of God for you, that is good, pleasing and perfect.

Legit yan like what happened to my parents. Hindi porket, compatible kayo sa isa-isa ay okay na. Kasi again, that’s what the world thinks. See? Magbago daw pala ako ng thinking. If the world says, it’s too late, iba ang time ni God for it. And one thing that amazed me, dun ko lang pala malalaman ung God’s will if I just change the way I see things.  If I just think that God is in control and He never forget what I want in my life, dun ka talaga magtitiwala sa Kanya sobra sobra. Why? Because God wants the best for His daughter, His princess and that’s me!

Another wrong thinking of this world, yung ina-awaken agad ang love without even knowing the whole thing and yung mga consequences nito.

Sabi sa Song of Solomons 8:4, Do not awaken love until it so desires.

Meaning, walang masamang magmahal pero yung hindi pa naman talaga time? Ibang usapan na yan. Alam mo ba yung mga common reasons of break-ups? Number 1 : Hindi pa daw ready. (See? Tapos inistir-up mo yung love, tapos wala naman palang patutunguhan ang lahat. Number 2: Hindi pa daw priority. (See? Tapos inistir-up mo yung love, yung isa umasa, nasaktan kasi again, hindi mo pa pala priority).

So sa mga nagsasabing ang choosy ko masyado na ang arte ko with matching lait. HAHAHAHA. It’s okay. Nung una masakit pero as time goes by, tinatawanan ko nalang. Kasi I know God is with me and He wants the best for me. I will stay hidden in the Lord and just trust Him that one day, I will be an answered prayer to that someone. And while waiting, I will also do my work to be the right one.

Siguro dahil wala pa din akong boyfriend? Kasi marami pang dapat baguhin sakin, most especially my emotions, my actions and my maturity in all aspects of my life –financially, spiritually, emotionally and socially. Again, I enjoy being single. Why? Because while I’m in this season, I am able to be used by God fully. Stop na sana natin ang wrong thinking na you will be complete with someone or with your partner because he/she will never be. Only God can complete you. And when you are broken, when you think you’re a mess and useless, always go back to the One.  Why? Because He’s the one who originally created you and He’s the only One who can fix you.

I pray na somehow, it changed the way you see of things. You can start now. Just change the way you think. Ask God for wisdom and He will give it you. (James 1:5)