Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Oo masakit at mahirap siyang panindigan to the point na nasasabihan na nga ako ng iba kong friends na ang tanga ko daw. Eh! bakit ko pa kasi pipilitin ang isang bagay na sa umpisa palang alam ko naman na malabong mangyari. Kaya this time binago ko ang mindset ko. This time ibang approach ang ginawa ko – a different kind of love.”

“Love is about appreciation, not possession”

Cliché man na pakinggan pero after my experienced about unrequited love mas lalong naging meaningful sa akin ang qoute na ito.

Sa kabila ng confusion,disappointment at heartbreaks thankful parin ako sa naranasan ko,blessing in disguise nga kung titingnan in a positive way. Ang daming nagbago at na-enlighten ako about love. Ang love pala doesn’t always have to be romantic at hindi mo kailangan ng intimate relationship to them para masabi mong totoo ang pagmamahal mo sa kanila. Nadiscover ko kasi sa sarili ko na kaya ko pala mag-care sa isang tao without any expectations at walang hinihintay na kapalit.Oo masakit at mahirap siyang panindigan to the point na nasasabihan na ako ng iba kong friends na ang tanga ko daw. Eh! Bakit ko pa kasi pipilitin ang isang bagay na sa umpisa palang alam ko naman na malabong mangyari. Kaya this time binago ko ang mindset ko. This time ibang approach ang ginawa ko – a different kind of love

“Less expectations, less pain”

Yung kuntento nalang ako na i-admire siya sa malayo.Yung kuntento nalang ako na lihim na happy and proud sa bawat achievements na nagagawa niya with matching slow clap. Yung kuntento nalang ako na isama siya sa bawat prayers ko instead na imessage pa siya para sabihan ng “goodnight,ingat ka palagi”.

Yung kuntento nalang ako na makita siyang inspired na ibang tao ang reason.Yung kuntento nalang akong mahalin siya habang pinipilit kong idistansiya ang sarili ko sa kaniya.Minsan kasi mas maganda na malayo tayo sa taong gusto natin, yung tipong hindi kayo close “less expectations, less pain”. Kasi kung close kami hindi ko maiiwasang lagyan ng meaning ang lahat ng bagay sa pagitan naming dalawa. Kahit pa malinaw na naman sa akin kung ano lang ako sa kaniya.

“Loving someone who does not love you back romantically is very painful”

Loving someone who does not love you back romantically is very painful but we need to understand na hindi lahat ng taong magugustuhan natin dapat magugustuhan din tayo.You are destined to meet pero hindi kayo nakalaan sa isa’t isa. Instead na malungkot ka or magpakabitter try loving that person in a different way. Every people na dumadaan sa buhay natin ay may purpose and reason, and nothing is a coincidence. Every relationship we encounter, mapa-romantic man or hindi ay nakatadhana na to serve us a lesson. Finding out the reason for each encounter is not always easy, pero tandaan natin na it will lead us to open new doors or help us to be a better person.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


“The one who will love and cherish you the way you deserve”

To all the people na pinagdaanan na or pinagdadaanan palang ang ganitong love situation, believe me, one day mamimeet din natin ang para sa atin. Yung taong iaadmire tayo for having a big heart. Yung taong kasama tayo sa bawat achievements nila sa buhay. Yung taong hindi na natin kailangan pang ichat para sabihan lang ng goodnight dahil katabi na natin sila sa pagtulog.Yung taong inspired kasi alam nilang nandiyan lang tayo lagi for them. Yung taong kahit may distance sa isa’t isa mahal na mahal ka parin. Sino sila? Ang ating “THE ONE”, the one who will love and cherish you the way you deserve.


Send me the best BW Tampal!

* indicates required