IKAW PA RIN DAHIL MAHAL KITA

122

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Over the years, tinatanong ko ang sarili ko, “bakit ikaw pa rin?”.

Ilang taon na ang nakalipas, ikaw pa din ang gusto ko, ikaw pa din ang crush ko.

And every time na sinusubukan kong sagutin yung tanong na ‘yan, madaming sagot sa isip ko. Katulad na lang ng, ang ganda mo kasi, ang ganda ng eyes mo, ang ganda ng hair mo, ang tangos ng ilong mo. Madami pa, ang bait mo kasi, ang galing mo kasi.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero hindi ako kuntento sa sagot na ‘yan. Kasi kahit mawala ang lahat ng dahilan na nakikita ng mata ko, gusto pa din kita. Kahit lumabo ang mata mo at pumuti ang buhok mo, gusto pa di kita. Kahit hindi ka magaling, gusto pa din kita.

I asked myself again, “BAKIT IKAW PA RIN?”, and there, I found the answer: ikaw pa rin hanggang ngayon, simply because MAHAL KITA.

DAHIL MAHAL KITA. Period. Ikaw pa rin dahil mahal kita.

Dahil mahal kita, handa akong ibigin ka nang buong-buo. Dahil mahal kita, handa akong yakapin ka, buong pagka-ikaw. Walang ifs and buts. Dahil mahal kita, handa akong ipaglaban ka, handa akong ipagsigawan ka. Handa akong, i-story ka sa Facebook, Instagram, Twitter. Saan pa ba? Handa akong mag long caption kapag birthday mo. Handa akong hawakan ang iyong kamay sa harap ng madaming tao, at kahit tayong dalawa na lang. Handa akong haranahin ka. Handa akong gumawa ng mga malayang taludturan na mga tula. Dahil mahal kita handa akong taga-picture mo kapag nagtravel tayo. Handa rin akong maging taga-bitbit ng bag mo, tagasuklay mo. Handa akong ihatid sundo kita.

Sa kasimplehang dahilan, DAHIL MAHAL KITA, handa akong gawin ang mga bagay maging masaya ka lang.

Madaming rason kung bakit gusto kita. Pero sa tanong na bakit ikaw pa rin hanggang ngayon, ‘yun ay dahil mahal kita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required