Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

I don’t know what to feel when I heart about your new crush. At first masaya ako dahil kahit papaano naka move-on ka na sa taong mahal mo. Pero napaisip din ako. Bakit hindi na lang ako? Bakit doon ka pa sa taong hindi ulit masusuklian yung pagkagusto mo? Pwede naman ako. Nandito lang naman ako, pero hindi ko naman mapipilit yang puso mo. Ang magagawa ko lang naman ay ang tanggapin at umusad. Alam mo ba na ilang buwan akong nanahimik at pinilit kang kalimutan pero bakit ganoon, kahit wala na tayong koneksyon, patuloy pa rin nanatili itong nararamdaman ko sa iyo? Mahal na ata kita at mahal pa rin kita. Gusto ko lang naman maging masaya ka, kahit hindi na ako masaya, kaya mahal hayaan mo, mawawala rin itong nararamdaman ko sa iyo dahil aalis na ako. Aalis na ako sa buhay mo ng tuluyan, hindi mo na ako makikita. Kaya paalam, hanggang sa muli.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required