Pilit na ipinipilit kahit masakit
Wala na ngang maipapalit
Ikaw at ikaw sa bawat saglit
Pag-ibig ko’y sa’yo nakapiit

“BAKIT PILIT KANG NAGSUSUMIKSIK?”

Nawasak ka, nakilala mo sya
Iba yung pakiramdam na dala nya
Kasi akala mo mabubuo ka nya

“minsan kasi, sa kagustuhan mo na tuluyang malimot yung sakit at pait, pinipilit mong ibaling yung pagmamahal mo kahit hindi ka pa buo ulit”

“at bilang kapalit, sa pagmamadaling magmahal ulit, mas higit pala yung sakit na papalit”

Akala mo kasi parehas kayo ng nararamdaman
Mali ka lang pala ng pagkaka-alam
Yung sa iyo na akala mo may malalim kayong ugnayan
Sa kanya “KAIBIGAN” lang pala ang kahulugan

Masaya kayong magkasama
Ikaw yung sabihan nya ng problema
Balikat na sandalan sa mga araw na hindi maganda
Tuloy akala mo may something na

“dahil hindi pa sya handa, binubuo pa nya ang sarili nya. Bakit hindi mo rin muna buoin ang sarili mo?”

“bakit hindi mo sa sarili mo ibuhos yung pagmamahal na ibinibigay mo sa ibang tao?”

“bakit pilit kang nagsusumiksik? Bakit pilit mong ibinibigay yung pagmamahal mo sa isang tao na ang minamahal ay yung sarili nya para mabuo sya ulit? Bakit hindi mo sya gayahin? Mahalin mo din yung sarili mo para mabuo ka na ulit”

Dahil ang pag-ibig, hindi sa lahat ng oras nasusuklian
Minsan may mga mali kang laban na napapasukan
Mga maling karerang nasasalihan
Mga maling taong madadaanan bago makarating sa finish line