Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Bakit ka single?
Yan kadalasan ang tanong ng karamihan sa akin. Tanong na hirap akong sagutin. Tanong na hindi ko alam ang sagot. Tanong na paulit-ulit kong naririnig. Tanong na kadalasan dinudugtungan ng mga katagang “baka ang choosy mo” at baka ang taas ng standards mo”. Halos everyday ko naririnig ang mga tanong na iyan. I want to answer it but it’ll take time. Minsan nga sila na yung sumasagot.
Pero oo nga ano? Tanong ko rin iyan sa sarili ko, bakit nga ba ako single? Maybe because of fate. Tadhana nga naman pinagtagpo nga lang kasi kami ng muntik ng maging forever ko. Pero wala eh! Di ko naman hawak ang tadhana.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Why do people think that if someone is single she maybe has high standards. Gano nga ba kahalaga ang standards? Yun lang naman ang babasehan mo sa taong gusto mong gustuhin. But it’s not really the thing that measures what you want for a partner. Ang iba naman nagsasabing siguro daw ang choosy ko. Why do they say that? Of course pilili tayo diba? We choose but definitely we choose what our heart wants. Hindi ko naman gusto na maging single ako forever, syempre iba parin yung may better half ka. Yung bang may maglalambing sayo. Yung kakamustahin ang araw mo, ikaw kung ayos ka ba o hindi. Someone who will comfort you and love you unconditionally for who and what you are. Sarap din kaya sa feeling yung alam mong may taong iniisip ka. Mahal ka. Takot na mawala ka o gustong-gusto kang makita at makapiling.
Bakit ka si single? Lumalagpas kana sa kalendaryo. Baka mapagiwanan ka. Tatanda kang dalaga niyan.
Ganun ba talaga dapat? Do you really have to pressure yourself or let society pressure you just because babae ka? They say women has a short period of youthfulness kaya paglagpas mo ng 29 konting konti nalang ang pag-asa mo at maaring tatanda kang mag – isa. Nobody will grow old with you.
Hindi naman lahat ng single SINGLE dahil mapili sila, yung iba sadyang hindi lang talaga swerte na makatagpo ng taong gugustuhin siya.
Oo single ako pero hindi ibig sabihin na never na ako nagmahal. I just had a one sided relationship. Mag-isa lang akong umibig.
Bakit ka single?
Di pwedeng ang sagot ko ay nasaktan lang ako, ginago , pinaglaruan at pinaasa. Hindi naging kami ng taong gusto at mahal ko. Iniwan ako kaya eto single ako.
Yung iba naman papakiligin ka lang pagkatapos ay iiwan. Iiwan ka sa ere ng walang pasabi kaya ayun! nagka injury ang puso mo. Yung iba ginawang option lang tulad ko, kaya eto single ako.
Bakit nga ba ako single?
Ang sagot ko naman ay Single ako kasi yun yung ginagawa ng tadhana. Pinapahintay niya ako. Single ako kasi wala pa yung taong inilaan ng Diyos para sa akin. And I still believe that someday there will be that someone will offer the universe for me. Someday I will be someone’s answered prayer. Hoping that one day I will be blessed enough to find my lifetime happiness. 😊